Dear BFF,
Ohh anong petsa na??!! Malapit na yung pasukan, wala ka talagang balak mag aral?? Kuntento ka na dyan sa kwarto mo, sa desktop mo, kay alex??? So ilang buwan ka na namang nakahiga dyan, naglalaro at sasayangin mo yung gas ni alex ha??? Nakakapikon ka din ehh noh?? Ang tae mo talaga napaka sinungaling mo! Magsinungaling talaga bading ha!!Wala kang isang salita, ang tagal tagaal ko na pinapaayos sayo yung transcript mo tska good moral pati yang 1x1 picture mong yan malamang wala pa rin yan….suz!!!! Lahat na ng dahilan nasabi mo na sa mama mo, ilang beses ka ng pabalik balik sa pampanga alaak naman yung inaatupag mo!! Tae ka talaga!! Ilang araw na lang pasukan na , ilang araw na rin akong late sa office kaka daan sa inyo! Haaay… Kelan ka ba dadapuan ng sipag?? Nakakaasar ka !! Gusto ko lang naman syempre bago ako umalis kahit paano OK ka na e, malay mo pag pumasok ka na ulit makita mo na yung better half mo kaya please utang na loob biyayaan ka naman ng kasipagan ! Mag aral ka na ohh, please lang..
Xoxo,
Me
so kiss me and smile for me, tell me that you’ll wait for me….
Page 1 of 195









